CAAP, handa na sa pagdagsa ng halos 1 milyong pasahero ngayong holiday rush | News Light

📅

Todo-handa na ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa inaasahang dagsa ng mga pasahero ngayong holiday season.

Ayon kay CAAP spokesperson Eric Apolonio, tinatayang aabot sa 980,000 mga biyahero ang dadaan sa mga paliparan sa buong bansa.

Higit na mas mataas ito kumpara sa nasa 895,000 na naitala sa loob ng dalawang linggo noong nakaraang holiday exodus.

Nakataas na sa heightened alert ang lahat ng 44 CAAP-operated airports para siguraduhin ang kaligtasan at maayos na daloy ng mga pasahero.

ADVERTISEMENT

Aktibo na rin ang medical teams at partner agencies, kabilang ang Civil Aeronautics Board, Philippine National Police, Office for Transportation Security, at mga airline para sagutin ang anumang pangangailangan ng mga pasahero.

Paalala ng CAAP sa mga babiyahe, dumating ng tatlong oras bago ang flight, i-double check ang flight status, at iwasang magdala ng mga bawal na bagay na posibleng makasanhi ng delay.