Buss family, ibebenta ang LA Lakers sa halagang $10 bilyon | News Light

📅 June 20, 2025 03:31 PM PHT  |  ✏️ Updated June 20, 2025 03:31 PM PHT
👤 Carlene Latuna  |  📂 Sportslight, Latest News, News Light

Ibebenta na ng Buss family ang kanilang majority stake sa Los Angeles Lakers sa halagang $10 bilyon, ayon sa ulat ng ESPN.

Si Mark Walter, CEO ng TWG Global at isa sa mga kilalang personalidad sa sports ng Los Angeles, ang nakatakdang maging bagong may-ari ng koponan.

Si Walter ay bahagi rin ng ibang sports teams tulad ng LA Dodgers at LA Sparks.

Matatandaang binili ng yumaong si Jerry Buss ang koponan noong 1979 at ginawang isa sa pinakasikat na prangkisa sa NBA.