Bumbero, muling rumesponde sa San Francisco High School sa Quezon City isang araw matapos ang sunog | News Light

📅 June 17, 2025 02:09 PM PHT  |  ✏️ Updated June 17, 2025 02:09 PM PHT
👤 Ace Cruz  |  📂 News Light, Latest News

Tuloy pa rin ang klase sa San Francisco High School sa Quezon City nitong simula ng pasukan sa kabila ng sunog sa paaralan na umabot sa third alarm nitong Linggo.

Dahil dito, inilipat muna ang aabot sa higit 600 estudyante ng Grade 9 at Grade 10 sa Senior High School building.