Nagbuga ng abo ngayong Lunes ng madaling araw, October 1, ang bulkang Taal.
Aabot sa 2,500 na metro ng abo ang ibinuga ng bulkan.
Nagsimula ang minor phreatomagmatic eruption ng 2:02 a.m. at natapos bandang 2:15 a.m., ayon sa PHIVOLCS.
Sa hilagang-kanluran naman tinangay ang abo kaya posibleng apektado ang lugar ng Laurel sa Batangas.
ADVERTISEMENT
Sa kabila nito, nananatiling nasa Alert Level 1 ang Bulkang Taal.
Patuloy naman ang pagbabantay ng PHIVOLCS sa aktibidad nito.



