Opisyal nang nanumpa si Bro. Eddie Villanueva kay Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo bilang first nominee ng Citizens’ Battle Against Corruption o CIBAC party-list.
Ninais ni Bro. Eddie Villanueva na manumpa kay Chief Justice Gesmundo bilang may pinakamataas na non-political na posisyon.
Sa ranking ng Comelec ng nakaraang midterm polls, nasa ika-10 puwesto ang CIBAC party-list na may one seat sa Kongreso matapos makakuha ng halos 600,000 boto.
Hangad ni Bro. Eddie na maibalik sa posisyon bilang Deputy Speaker for Good Governance and Moral Uprightness para otomatiko siyang maging ex-officio member sa lahat ng standing committee ng Kamara at makilahok sa mga objective na diskusyon.
ADVERTISEMENT
Nakahanda na rin ang mga panukalang batas ng CIBAC party-list na ihahain sa plenaryo ng Kongreso at nais maipasa sa muling pagbubukas ng first regular session ng 20th Congress.



