Isang British engineer ang nakagawa ng rechargeable battery pack na sapat para mapailawan ang buong bahay gamit lamang ang mga bateryang kinuha mula sa 500 itinapong vape pens.
Ang naka-diskubre nito ay ang 26-year-old British engineer na si Chris Doel.
Matapos kolektahin ang mga sirang vape mula sa mga kaibigan, festival grounds, at lokal na vape shop, pinaghati-hati niya ang mga baterya at pinagsama sa isang 2.5 kWh battery pack na nakapagpaandar ng kanyang tahanan nang walong oras.
Ginamitan niya ng 3D-printed case ang mga cell at inihanay sa parallel at series wiring upang makabuo ng malaking power bank na kaya ring magpaandar ng kanyang workshop nang ilang araw.
ADVERTISEMENT
Dahil sa tagumpay ng proyekto, ipinunto ni Doel na napakahalagang mapakinabangan muli ang mga bateryang karaniwang itinatapon lang, lalo na’t kaya nitong magbigay ng malaking benepisyo kung i-recycle nang tama.



