Brent Manalo at Mika Salamanca o ‘Breka’, itinanghal na kauna-unahang Big Winner ng PBB celebrity collab edition

📅

Uwian na dahil may nanalo na.

Itinanghal nga na kauna-unahang Big Winner ng Pinoy Big Brother celebrity collab edition ang tambalang brent manalo at Mika Salamanca o mas kilala sa tawag na ‘Breka’ sa katatapos lamang na big night nitong sabado, July 5 sa New Frontier Theater, Quezon City.

Nakuha ng Breka ang pinakamataas na combined votes na pumalo sa 33 point 03 percent.

Nag-uwi ang dalawa ng tig-isang milyong pisong cash prize.

Hinirang naman bilang 1st big placer ang tambalang ‘Rawi’ o sina Ralph De Leon at Will Ashley.

ADVERTISEMENT

2nd big placer naman sina Charlie Fleming at Esnyr Ranollo o ‘Chares’

Habang nasa huling place naman ang Azver na sina AZ Martinez at River Joseph.

Kasabay ng anunsyo ng mga nanalo muling naghahanda ang bahay ni kuya sa pagbubukas para sa bagong collab edition ngayong taon.