Boying Remulla, uusisain ang confidential funds ni VP Duterte bilang Ombudsman | News Light

📅 October 8, 2025 2:14 PM PHT  |  ✏️ Updated October 8, 2025 2:15 PM PHT

Tututukan ng Office of the Ombudsman ang rekomendasyon ng Kongreso na kasuhan si Bise Presidente Sara Duterte dahil sa umano’y maling paggamit ng confidential funds, ayon kay Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla.

Sa maikling pahayag ni Remulla matapos siyang maitalaga bilang kapalit ni dating Ombudsman Samuel Martires, sinabi niyang pag-aaralan umano ito at tatanungin ang mga may hawak ng nasabing kaso.

ADVERTISEMENT

Noong Hunyo, natanggap ng House of Representatives ang ulat ng House Committee on Good Governance and Public Accountability na nagrerekomenda na sampahan ng kasong sibil, kriminal, at administratibo si Duterte dahil sa umano’y maling paggastos ng confidential funds.

P612.5 million ang alokasyon para sa confidential funds ni Duterte sa kanyang opisina at sa Department of Education o DepEd na dati niyang pinamunuan, mula 2022 hanggang 2023. (Denniel Salayo/News Light)