Nanumpa na ngayong Huwebes bilang bagong Ombudsman si Jesus Crispin “Boying” Remulla sa harap ni acting chief Justice Marvic Leonen sa Korte Suprema.
Ayon kay remulla, prayoridad niyang tututukan ang malawakang korapsyon sa flood control projects ng DPWH at kailangang maihanda nang maayos ang mga kaso bago isampa sa sandiganbayan o RTC.
Sinabi rin ni Remulla na nagsasagawa na sila ng malawakang pagkalap ng ebidensya at posibleng makapaghain ng mga kaso sa mga susunod na linggo.
Hindi naman pinansin ni Remulla ang mga batikos sa kaniyang pagkakatalaga.
ADVERTISEMENT
Matatandaang nagsilbi siya bilang kalihim ng Department of Justice sa ilalim ng Marcos administration.



