Naglabas na ng blue notice ang Interpol para tumulong sa paghahanap sa dating mambabatas na si Zaldy Co na pinaghihinalaang bumibiyahe gamit ang non-Philippine passport, ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG).
Ginagamit ang blue notice para mangalap ng impormasyon sa identity at kinalalagyan ng isang tao na sangkot sa imbestigasyon.
Sakali namang maisumite na ang arrest warrant, maaari nang maglabas ng red notice para sa pag-aresto.
Aminado naman ang mga awtoridad na hindi pa alam ang tunay na kinaroroonan ni Co lalo’t posible raw na may ibang passport o pangalang ginagamit si Co habang patuloy na vine-verify ang impormasyon.
ADVERTISEMENT
Maliban kay Zaldy Co, nakipag-ugnayan na rin umano ang mga sangkot na nasa abroad at inaasahang magpapakita sa embahada para sa agarang repatriation pabalik ng Pilipinas.



