Magbubukas ng mas mahaba ang mga district office ng BIR para tumanggap ng mga naghahabol sa deadline ng estate tax amnesty.
Pinalawig ng ahensya ang deadline hanggang June 16, bukas din ang mga bangko hanggang 5 p.m. mula June 4 hanggang June 16.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui jJr. basta makarating sa district office bago mag-5 p.m., tatanggapin pa rin ang application kahit lumagpas sa office hours.
Sa ilalim ng amnesty, 6 percent na flat rate lamang ang babayaran sa estate tax at wala nang penalty, surcharge, o interest.
Inaalok ito sa mga namatay na may-ari ng property noong o bago may 31, 2022.
ADVERTISEMENT
Gayunpaman, hindi nito saklaw ang mga delinquent at may kasong pending sa korte.
Maaaring mag-file at magbayad ng estate tax amnesty return via online o manual sa BIR sa mga bangko, o sa mga accredited collection officer.



