Bilang ng mga Pinoy sa bansa na walang trabaho, bumaba sa 3.9% noong Agosto

📅 October 9, 2025 11:53 AM PHT  |  ✏️ Updated October 9, 2025 1:51 PM PHT
👤 BALITANG A2Z  |  📂 Latest News, Featured

Bumaba ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa noong Agosto ayon sa Philippine Statistics Authority.

Mula sa P2.59 milyong walang trabaho noong July pumalo na lamang ito sa P2.3 milyon nitong Agosto katumbas ng P3.9 percent unemployment rate mula sa 5.3%

Samantala, bumaba rin ang bilang ng mga manggagawang naghahanap ng dagdag na trabaho o mas mahabang oras ng paggawa.

ADVERTISEMENT

Samantala, umabot sa P1.7 trilyong ang nawalang halaga sa stock market sa loob lamang ng tatlong linggo dahil sa flood control scandal.

Ayon kay Securities and Exchange Commission chairperson Francis Lim sinabi niyang nasira ang tiwala ng publiko sa pamahalaan at negosyo kahit tumataas ang kita ng mga kompanya.

Nangangamba naman daw ang malalaking kompanya na sumali sa mga bidding dahil sa umano’y bid rigging at “kickback” system sa mga proyekto.