Bilang ng mga Pilipinong walang trabaho, nabawasan noong Marso

📅 May 8, 2025 09:54 AM PHT  |  ✏️ Updated May 8, 2025 09:54 AM PHT
👤 Newslight  |  📂 News Light, Latest News
Mga benepisyaryo ng 4ps na nakilahok sa “Trabaho sa Bagong Pilipinas” job fair sa Manila, January 31, 2025. Photo by Ali Creo/DOLE-IPS via DOLE Facebook page

Bahagyang nabawasan ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong buwan ng Marso.

Ayon sa mga tala ng Philippine Statistics Authority (PSA), umaabot sa 1.93 milyong Pilipino ang walang trabaho, mas mababa kumpara sa naitalang 1.94 milyong Pilipino noong February 2025.

48.02 milyong Pilipino naman ang employed base sa mga tala noong Marso, habang 49.15 milyong Pilipino naman ang employed noong February 2025.

Tumaas naman sa 13.4% ang naghahanap ng trabaho sa bansa noong buwan ng Marso, mas mataas ito kumpara sa 10.1% na naitala noong February 2025.