Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Naitala sa 2.03 milyon ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong Mayo, katumbas ng 3.9% unemployment rate. Mas mababa ito kumpara sa naitalang 2.06 milyon o 4.1% unemployment rate noong Abril 2025.
Samantala, tumaas naman sa 50.29 milyon ang bilang ng mga may trabaho noong Mayo, mas mataas kumpara sa 48.67 milyon na naitala noong Abril. (Sarah Lagsac-Arsenio/ News Light)



