Bilang ng mga nasawi sa lindol sa Cebu, umakyat na sa higit 70 | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Base sa pinakahuling ulat, umabot na sa 72 ang bilang ng mga nasawi buhat ng magnitude 6.9 na pagyanig na sinundan pa ng mga aftershocks sa Cebu kahapon; karamihan ay nagmula sa hilagang bahagi ng probinsya, ayon sa Office of Civil Defense (OCD).

Ang siyudad ng Bogo ang may pinakamaraming casualty, sumunod ang San Remegio, Medellin, Tabogon, Sogod, at Tabuelan.

Napupuno na rin ang mga ospital ng mga sibilyang sugatan na tinatayang umabot sa lampas 200, habang ang mga body bags ng mga labi na narekober sa pagguho ay dinala naman sa lokal na mortuaries.

Bukod sa mga buhay na nawala, maraming daan, tulay, mga eskwelahan, palengke, at government buildings rin ang naapektuhan ng lindol. (Denniel Salayo/ News Light)

ADVERTISEMENT