Bilang ng mga nasawi sa Gaza dahil sa genocide, lampas na sa 64,000 | News Light

📅

Umabot na sa bilang na 64,656 ang namatay at 163,503 na ang sugatan resulta ng pagpapatuloy ng Israeli genocide sa Gaza Strip, ayon sa pahayag ng Gaza health authorities noong Miyerkules.

Sa nakalipas na magdamag, nag-report ang mga ospital sa Gaza ng 41 pang mga nasawi at 184 na nasaktan sa opensiba ng Israel.

Noong araw ding iyon, binanggit ng Israel Defense Forces (IDF) na tinipon ng chief of staff nitong si Eyal Zamir ang mga senior military commanders para sa isang briefing tungkol sa “Operation Gideon’s Chariots II” sa siyudad ng Gaza. Iginiit ng hepe na primary objective ng IDF na mapalaya ang mga hostage ng Hamas at matalo ang militante grupo.

Pagmamalaki pa ng IDF, nakapagpalipad na ang pwersa nito ng dose-dosenang planes at tatlong waves ng pambobomba sa Gaza City.

ADVERTISEMENT

Winasak umano ng operasyong ito ang lampas sa 360 targets, kasama na ang mga observation at command centers, sniper at anti-tank firing positions.

Nag-isyu na rin daw ang ahensya ng agarang evacuation notice na layong paalisin ang mismong mga residente ng siyudad noon ding Miyerkules. Hayagan ding binanggit ng ahensya ang pagpapaiting nito ng sigalot at karahasan sa Gaza City. (Denniel Salayo/ News Light)