Lumitaw sa imbestigasyon ng Palasyo na dumami ang joint venture deals ng Primewater Inc. sa mga local water districts noong 2019 sa panahon ng pamumuno ni Mark Villar sa DPWH kung saan naka-attach ang local water utilities administration o LWUA.
Isiniwalat ni Communications Undersecretary Claire Castro ang impormasyon matapos makipagpulong ang office of the president kay local water utilities administration o LWUA chief Jose Moises Salonga para mapag-usapan ang patuloy na imbestigasyon ng gobyerno sa prime water.
Pag mamay-ari ng pamilya Villar ang Primewater Inc.
Sa pagpupulong sa Malacañang, sinabi ni Salonga na may posibleng conflict of interest sa mga deals lalo’t nakita ang posibleng irregularidad sa mga kontrata partikular na kung paano nakalusot, sino ang nag-apruba, at kung kailan ito dumami.
Matatandaang nasailalim ang LWUA sa pangangasiwa ng DPWH mula 2011 nang pirmahan ng Aquino administration ang executive order 62 na naglilipat sa lwua mula Department of Health patungong DPWH.
Inilipat ng Marcos Jr. administration ang lwua sa ilalim ng pangangasiwa ng water resources office ng Department of Environment and Natural Resources.
Nilinaw rin ni Salonga na walang silang ibang sinisi kundi ang pagsasaayos lamang ng patubig sa mga apektadong lugar lalo’t tila mas lumalala ang kakulangan sa tubig.