Big-time oil price hike, asahan sa susunod na linggo

📅 June 16, 2025 12:46 PM PHT  |  ✏️ Updated June 16, 2025 12:46 PM PHT
👤 BALITANG A2Z  |  📂 Balitang A2Z, Latest News

Abiso sa mga motorista at tsuper! Maghanda na po.

Dahil mahigit po sa piso taas-presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa Energy department.

Batay sa 4-day trading sa mean of platts Singapore, inaasahan ang adjustment sa Martes, June 17.

Papalo sa humigit piso at kwarenta’y sentimo ang itataas sa kada litro ng gasolina at diesel.

Habang hanggang piso at bente sentimos naman, ang posibleng dagdag sa kada litro ng kerosene.

Kabilang sa mga dahilan ng paggalaw ng presyo ang positibong US-China trade signals naantalang us-iran nuclear talks at patuloy na oil demand growth ayon sa OPEC.

Samantala, inaasahang iaanunsyo ng mga kompanya ng langis ang opisyal na adjustment sa Lunes.