BI, nagbabala sa ‘love scam’ na gamit ang pangalan ng ahensiya | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) sa publiko hinggil sa online love scams na ginagamit ang pangalan at awtoridad ng ahensiya upang manloko at mangikil ng pera sa mga biktima.

Ito ay kasunod ng inilapit ng isang babae sa ahensiya na email mula sa nagpakilalang opisyal ng ahensiya tungkol sa delivery ng parcel mula abroad.

Sa email, nakasaad na galing ito sa foreign boyfriend ng babae at kailangang bayaran upang maibigay ng ahensiya sa kanya.

Giit ng BI, hindi galing sa kanila ang email at parte ito ng love scam scheme.

ADVERTISEMENT

Nagpaalala ang ahensiya sa publiko na mag-ingat sa mga natatanggap na email o mensahe.

Iniulat na ng BI ang sitwasyon sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center at sa NBI Cybercrime Division para sa mas malalim na imbestigasyon.