Nakauwi na ng Pilipinas ang apat na Pilipinong biktima ng sindikato sa Cambodia sa tulong ng Philippine Embassy sa Cambodia at Inter-Agency Council Against Trafficking.
Lumabas sa imbestigasyon na ni-recruit sila sa pamamagitan ng Facebook postings para sa umano’y trabaho bilang encoder o customer service representative.
Pagdating sa Cambodia, kinumpiska ang kanilang mga pasport at pinilit silang magtrabaho sa mga online scam hub kung saan sila nagpapanggap na FBI agents o romantic partners para makapanloko ng dayuhan.
ADVERTISEMENT
Giit ni BI Commissioner Joel Anthony Viado, ang mga biktima ay itinuring na parang ari-arian, binili, ibinenta, at inabuso.
Kaya naman, mas pinaigting na ngayon ang crackdown laban sa trafficking networks.




