Bersamin: Hindi totoo ‘yung nag-resign ako bilang Executive Secretary | News Light

📅 November 20, 2025 12:43 PM PHT

Pinabulaanan mismo ni dating Executive Secretary Lucas Bersamin ang anunsyong siya ay nagbitiw.

Ayon kay Bersamin, tinawagan siya ng isang kaibigan para sabihing kailangan na niyang bumaba sa puwesto ilang oras lang bago ianunsyo ng Palasyo ang kanyang umano’y graceful exit.

Nangyari ang pag-alis ni Bersamin sa gabinete kasabay ng alegasyon ni Senator Ping Lacson na umano’y sangkot ang dating kalihim sa bilyong pisong budget insertions.

ADVERTISEMENT

Itinangi naman ni Bersamin ang paratang na aniya ay triple hearsay, lalo’t galing ang impormasyon ni Lacson sa salaysay ni ex-DPWH Usec. Roberto Bernardo.

Nagpasalamat rin siya sa karangalang makapagsilbi at tiniyak ang maayos na turnover ng trabaho kay Recto.

Dating appointee si Bersamin ni former President Rodrigo Duterte sa puwestong Chief Justice ng Supreme Court, pero sa kabila ng mga pangyayari ngayon, iginiit ni Bersamin na nananatili siyang tapat sa mga layunin ng administrasyong Marcos.