‘Bentahan’ ng accreditation sa mga gov’t projects, iimbestigahan ng Dep’t of Trade and Industry

📅

Iimbestigahan ng Department of Trade and Industry o DTI ang mga alegasyong nagbebenta umano ang Philippine Contractors Accreditation Board o PCAB ng accreditation sa mga kontraktor ng flood control projects ng gobyerno.

Kasunod ito ng isiniwalat ni Sen. Ping Lacson na mga iregularidad ng PCAB sa nagdaang senate inquiry kaugnay sa flood control projects na dinaluhan ng pitong contractors.

Binigyang diin ni Trade Sec. Cristina Roque na isinasagawa na ang mga pagdinig at magbibigay rin ito ng mga bagong impormasyon.

Una nang nagbabala ang PCAB sa mga indibidwal na umano’y nagpapangap bilang kanilang kabaro at sinabing nagsasagawa na rin sila ng sariling imbestigasyon ukol dito.