Bawas-presyo sa petrolyo, asahan ngayong linggo | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Good news, Lightmates, magkakaroon ng bawas-presyo sa produktong petrolyo ngayong linggo.

Sa abiso ng Department of Energy, nasa ₱0.25 ang bawas sa bawat litro ng gasolina, ₱1.25 naman sa bawat litro ng diesel, habang ₱1.20 ang tapyas sa bawat litro ng kerosene.

Paliwanag ng DOE, ang dahilan ng bawas-presyo ay bunsod ng pagtaas ng OPEC Plus ng suplay at pagpapatupad ng bagong polisiya ng taripa sa U.S. at iba pa.