Battle mode on!: JIL Youth Summit 2025, matagumpay | News Light

📅

Mahigit 10,000 Kristiyanong kabataan para sa Bayan (KKB) at Christian Youth for the Nation (CYN) ang dumalo sa matagumpay na Youth Summit 2025 ng Jesus Is Lord Church Worldwide (JILCW) noong December 19 at 20 sa Smart Araneta Coliseum.

Sa temang “Legacy Warriors: Battle Mode On”, tinanggap ng mga kabataan ang hamon na ipagpatuloy ang legasiya ng simbahan na ipalaganap ang salita ng Diyos sa mundo.

Sa dalawang araw ng summit, napakinggan ang mga paalala at aral mula kina Pastor Alex Garcia, Pastor Josh Palisoc, Pastor Joey Crisostomo, Pastor Jade Gascon, at KKB Chairman Senador Joel Villanueva.

Binigyang-diin sa mga session ang kahalagahan ng pakikilahok para ipaglaban ang Diyos at katotohanan sa panahon kung saan lumalaganap ang mga kasinungalingan at maling katuruan.

Sa Victory Proclamation naman ng summit, masayang nakiisa si Senador Villanueva sa mga kabataang nagpupuri sa Diyos at sama-samang umawit at nagsayaw.

ADVERTISEMENT

Paalala naman ni JIL Church Worldwide Executive Vice President Jovi Villanueva-Binalla, simula pa lamang ang Youth Summit at inaasahan na magtutuloy-tuloy ang mga kabataan sa kanilang pananampalataya at paglaban para sa Diyos.

Bilang pagtatapos, nagbigay naman ng mensahe at ipinagdasal ni JIL Church Worldwide President-Founder at CIBAC Rep. Bro. Eddie Villanueva ang bagong henerasyon ng mga mananampalataya ng Diyos.

Legacy Warriors, Battle Mode On!