
Magbubuo ang Pamahalaang Lungsod ng Batangas ng Cyber Response Team na tututok sa mga insidente ng bomb threats sa lungsod.
Napagkasunduan ito sa pagpupulong ng City Peace and Order Council kamakailan, na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa pampubliko at pribadong paaralan.
ADVERTISEMENT
Tinalakay ni PLt. Jay Pachika ng Provincial Explosive and Canine Unit ang mga tamang hakbang kapag may banta ng bomba, habang ibinahagi naman ng Batangas City Police ang kanilang mga standard operating procedures (SOPs) sa ganitong sitwasyon.
Pinag-usapan din ang pagkakaroon ng alternative venues para sa mga klaseng maaantala at ang pagpaparehistro ng contact numbers ng mga estudyante upang mapabilis ang komunikasyon tuwing may emergency.



