Basilan, opisyal nang idineklarang malaya sa Abu Sayyaf Group | News Light

📅

Opisyal nang idineklarang malaya sa impluwensiya at presensya ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang lalawigan ng Basilan noong Lunes.

Maituturing itong isang makasaysayang tagumpay para sa probinsyang matagal nang kinilala bilang balwarte ng teroristang grupo.

Pinangunahan nina Presidential Peace Adviser Carlito Galvez Jr. at Special Assistant to the President Antonio Lagdameo Jr. ang seremonya sa Lamitan City, na bunga ng mga taon ng operasyong militar, kooperasyon ng iba’t ibang sektor, at programang pangkapayapaan.

Kasabay ng deklarasyon, isinuko ang 329 na iba’t ibang uri ng loose firearms sa ilalim ng Small Arms and Light Weapons Program.