Tinanggihan ni Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga ang panawagan na ilabas niya ang kanyang medical records para pabulaanan ang mga isyung ipinupukol sa kanya na siya ay may mental illness.
Giit ni Barzaga, confidential ang mga record na ito at maaari lamang magpalala ng usapan.
Nagsimula ang isyu matapos sabihin ng NUP Chair at Deputy Speaker Ronaldo Puno, na umano’y “hindi maayos” ang ikinikilos ng mambabatas.
Kabilang ang pagpasok nito sa Opisina ng Majority Leader para ianunsyo ang planong pagtakbo bilang House Speaker.
Bunsod nito, maghahain ang NUP ng motion sa House Ethics Committee para imbestigahan ang posibleng paglabag ni Barzaga sa ethics at conduct ng kongreso.
ADVERTISEMENT
Pero giit ni Barzaga, hindi propesyonal ang pagtawag sa kanya ng “unwell” nang walang diagnosis ng isang doktor.
Nanindigan siya na wala siyang seryosong karamdaman at nananatiling fit sa serbisyo.



