Tinanggihan ni Cavite 4th District Representative Kiko Barzaga ang panawagan na ilabas niya ang kaniyang medical records para pabulaanan ang mga isyung ipinupukol sa kaniya na siya ay may mental illness.
Giit ni Barzaga, confidential ang mga record na ito at maaari lamang magpalala ng usapan.
Nagsimula ang isyu matapos sabihin ng National Unity Party (NUP) chair at Deputy Speaker Ronaldo Puno na umano’y “hindi maayos” ang ikinikilos ng mambabatas, kabilang ang pagpasok nito sa opisina ng Majority Leader para ianunsyo ang planong pagtakbo bilang House Speaker.
Bunsod nito, maghahain ang NUP ng mosyon sa House Ethics Committee para imbestigahan ang posibleng paglabag ni Barzaga sa ethics at conduct ng Kongreso.
ADVERTISEMENT
Pero giit ni Barzaga, hindi propesyonal ang pagtawag sa kaniya ng “unwell” nang walang diagnosis mula sa isang doktor.
Nanindigan siya na wala siyang seryosong karamdaman at nananatiling fit sa serbisyo.



