Pumanaw na pasado 1 a.m. ngayong Huwebes sa ospital sa Makati City ang pangalawang pinakamataas na opisyal ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM na si Parliament speaker Pangalian Balindong dahil sa pinagdaanang karamdaman.
Edad 85 na si Balindong at nagsilbing tagapagsalita ng parliyamento simula pa noong 2019.
Ayon kay BARMM chief Minister Abdulraof Macacua, nagluluksa ngayon ang buong rehiyon sa pagpanaw ng isang lider na puno aniya ng kaalaman dedikasyon at pagpapakumbaba at naging inspirasyon din sa nakararami.
Ilalagay naman sa half-mast ang Philippine flag at Bangsamoro flag sa lahat ng government offices sa rehiyon bilang respeto at pagbibigay karangalan kay balindong.
ADVERTISEMENT
Naihatid na rin sa huling hantungan ang pumanaw na lider sa kaniyang hometown sa Lanao del Sur bilang pagsunod sa Islamic rights.



