Narekober na ang bangkay ng tatlong small-scale miners na na-trap sa loob ng isang tunnel sa Sitio Balcony, Barangay Runruno, sa Quezon, Nueva Vizcaya.
Kinilala ang mga nasawi na sina Daniel Segundo, 47; Florencio Indopia, 63; at Lapihon Ayudan, 56 — lahat taga-Runruno.
Habang nasawi naman ang isang volunteer rescuer na kinilalang si John Philip Guinahid, matapos pumasok sa tunnel para iligtas ang kapatid niyang si Lapihon.
Ayon sa report, kinulang sa oxygen sa loob ng tunnel ang naging sanhi ng pagkahilo at hindi pagkalabas ng mga biktima.