Bagyong Wilma, patuloy bumabaybay papalapit sa Visayas | News Light

📅

Nananatiling matatag ang tropical depression Wilma habang kumikilos ito pa-kanlurang timog-kanluran sa Philippine Sea, ayon sa PAGASA.

Huling namataan ang sentro nito sa layong 480 km silangan ng Catarman, Northern Samar, taglay ang lakas-hangin na 45 km/h at bugso na 55 km/h.

Nakataas ang TCWS No. 1 sa ilang bahagi ng Luzon, Visayas, at Mindanao dahil sa banta ng malalakas na hangin sa loob ng 36 oras.

Ayon sa ahensiya, posible itong mag-landfall sa Eastern Visayas o Dinagat Islands mamayang gabi o sa Sabado ng umaga.

ADVERTISEMENT

Pinag-iingat ang publiko dahil sa inaasahang masungit na panahon, malalakas na hangin, at maalon na karagatan, lalo na sa mga lugar na nasa direktang daan ng bagyo.