Bagyong Wilma, humina bilang LPA | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Namataan ang low pressure area (LPA), na dating bagyong Wilma, sa baybayin ng Culasi, Antique ngayong madaling-araw.

Dahil dito, makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Mimaropa at Western Visayas, na posibleng magdulot ng flash floods o landslides.

Apektado rin ng shear line ang ilang bahagi ng Luzon, kabilang ang Cordillera at Cagayan Valley, kung saan posible rin ang malalakas na pag-ulan.

Sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Central Luzon, uulanin dahil sa northeast monsoon.

ADVERTISEMENT

Samantala, inaasahan ang mas maaliwalas ngunit may panaka-nakang pag-ulan sa Ilocos Region at ilang bahagi ng Visayas at Mindanao dahil sa localized thunderstorms.