Nanatiling malakas ang bagyong Uwan habang ito ay kumikilos sa karagatang silangan ng Taiwan.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 305 kilometro sa hilaga ng Itbayat, Batanes, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 55 km/h at pagbugsong hanggang 70 km/h.
Inaasahan ang paminsan-minsang malalakas na hangin sa Batanes at Babuyan Islands ngayong araw, lalo na sa mga baybaying lugar.
ADVERTISEMENT
Pinapayuhan ang mga mangingisda at may maliliit na sasakyang pandagat na huwag munang pumalaot dahil sa maalon hanggang napakaalon na karagatan sa hilagang bahagi ng bansa.
Patuloy namang kikilos pahilagang-silangan ang Uwan at posibleng humina bilang remnant low sa loob ng 12 oras.




