Bagyong Tino, lalong lumakas habang palabas ng bansa; Bagyong Fung-Wong, binabantayan ng PAGASA | News Light

📅 November 6, 2025 12:54 PM PHT  |  ✏️ Updated November 6, 2025 5:38 PM PHT

Patuloy na lumalakas habang kumikilos sa West Philippine Sea, hilaga ng Kalayaan Islands ang Bagyong Tino.

Ayon sa ahensya, taglay nito ang hangin na 155 km/h at bugso na 190 km/h, habang kumikilos pakanluran-hilagang kanluran sa bilis na 35 km/h.

Nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo, ngunit nakataas pa rin ang Signal No. 1 sa Kalayaan Islands dahil sa malalakas na hangin.

ADVERTISEMENT

Samantala, isa pang bagyong nasa labas ng PAR na pinangalanang tropical storm Fung-Wong ang patuloy na lumalakas at inaasahang papasok sa bansa sa Sabado bilang “Bagyong Uwan.”

Posible itong mag-landfall sa hilaga o gitnang Luzon sa Lunes, Nobyembre 10.