Nananatili ang lakas ng Bagyong Paolo habang kumikilos pa-kanluran hilagang-kanluran sa West Philippine Sea.
Nasa 115 kilometers kanluran hilagang-kanluran ng Bacnotan, La Union ang sentro ng bagyo taglay ang hanging umaabot sa 110 kilometers per hour at bugsob na 135 kph.
Habang magdudulot ng malakas na ulan at hangin ang outer rain bands ng bagyo sa Metro Manila, CALABARZON, Bicol, Visayas, at Mindoro.
Pinagbabawalan pa rin ang paglalayag sa mga karagatan sa Hilagang Luzon.
ADVERTISEMENT
Samantala, inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang Paolo umaga ng Sabado at maaaring muling mag-intensify bilang isang bagyo.



