Habang abala sa Bisayas dahil sa lindol, pinag iingat naman ang mga taga Northern at Central Luzon sa posibleng pagbuhos ng ulan simula Huwebes bunsod ng papalapit na bagyong Paolo.
Ayon sa state weather bureau na PAGASA, huling namataan ang bagyo na nasa 690 kilometers kanluran ng Virac, Catanduanes ganap na 4 p.m.
Taglay nito ang lakas ng hanging papalo sa 55 kiometers per hour at bugsong aabot ng 70 kilometers per hour.
Gumagalaw si Paolo pa silangan sa bilis na 25 kiometers per hour.
ADVERTISEMENT
Itinaas na ang wind signal number 1 sa Catanduanes.
Paglilinaw naman ng PAGASA, posible pang lumihis ang bagyo dahil sa Low Pressure Area sa itaas na bahagi ng Pilipinas.



