Bagyong ‘Opong’, lumakas pa sa isang severe tropical storm; signal number 2, itinaas na sa ilang lugar

📅  |  ✏️ Updated

Lumakas pa sa isang severe tropical storm ang bagyong Opong, habang nasa Philippine Sea pa ito.

Huling namataan ang sentro ng bagyo may layong 670 km, silangan ng Surigao City.

Itinaas na ang signal number 2 sa Northern Samar at ilang bahagi ng Eastern Samar.

Habang signal number 1 naman ang Catanduanes, Camarines sur, Albay, Sorsogon, Masbate, Samar, Biliran at Northern Leyte kabilang ang Tacloban City.

Inaasahang aabot sa typhoon category ang Opong at posibleng tumaas pa sa signal number 4 bago ito mag-landfall sa Bicol Region sa Biyernes.

ADVERTISEMENT

Inaasahang tatawid ito sa Southern Luzon at lalabas ng Philippine Area of Responsibility pagsapit ng Sabado.

Habang pinalalakas ng Opong ang habagat kasama ang nakaraang bagyong Nando, kaya asahan na ang patuloy na malalakas na hangin at pag-ulan sa Metro Manila, Luzon, Visayas at Mindanao.

May babala rin ng storm surge sa karagatan kaya naman paalala ng PAGASA maging handa habang paparating ang bagyong Opong.