Patuloy na lumalapit sa Hilagang Luzon ang tropical depression Crising habang nananatili ang lakas nito, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Huling namataan ang sentro ng bagyo 460 km silangan ng Baler, Aurora, at kumikilos ito pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 15 km/h.
Itinaas ang tropical cyclone wind signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar:
- Batanes
- Cagayan
- Isabela
- Apayao
- Abra
- Ilocos Norte
- Ilocos Sur
- Kalinga
- Mountain Province
- Ifugao
- Benguet
- La Union
- Quirino
- Hilagang bahagi ng Aurora
- Nueva Vizcaya
- Hilagang bahagi ng Pangasinan
- Hilagang bahagi ng Nueva Ecija
- Polillo Islands
- Camarines Norte
- Hilagang-silangang bahagi ng Camarines Sur
- Catanduanes
Nagbabala ang PAGASA na posibleng maranasan ang epekto ng malalakas na hangin sa mga nabanggit na lugar.
ADVERTISEMENT



