Pinasinayaan ng Armed Forces of the Philippines ang BRP Rajah Sulayman ang kauna-unahang offshore patrol vessel ng bans sa Ulsan, South Korea isang araw bago ang selebrasyon ng Araw ng Kalayaan.
Dumalo sa launching si AFP chief of staff Gen. Romeo Brawner Jr. at mga opisyal ng Hyundai heavy industries.
Ayon sa AFP, patunay ito ng matibay na ugnayan ng pilipinas at South Korea para sa mas pinalakas na depensa at maritime security.
Para naman kay Brawner, hindi lang ito bagong barko kundi isang matibay na pahayag ng pangako sa pagtatanggol ng soberanya.
Ipinangalan ang barko sa isang matapang na pinunong pilipino na lumaban sa dayuhang mananakop noong pre-kolonyal na panahon.