Bagong single ng Blackpink, first time ipe-perform sa kanilang comeback world tour na ‘Deadline’

📅 June 26, 2025 12:06 PM PHT  |  ✏️ Updated June 26, 2025 12:06 PM PHT
👤 BALITANG A2Z  |  📂 Balitang A2Z, Entertainment, Showbiz

Ilang araw na lang maririnig na muli ang iconic chant na’Blackpink in your area’.

Inanunsyo na nga ng YG Entertainment na sa kick-off ng ‘Deadline’ comeback world tour ng K-Pop powerhouse na Blackpink unang ipe-perform ang kanilang much-anticipated comeback song.

Sa July 5 at 6 nakatakda ang sold-out concert kick-off ng grupo sa goyang stadium sa South Korea.

Excited na ang fans na makita ang apat na miyembro na muling magsasama-sama sa iisang stage bilang grupo.

Sa November 22 at 23 naman magpapasaya ng Filo Blinks ang blackpink sa kanilang Philippine Arena stop.