Isiniwalat ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na may bagong saksi sa kaso ng mga nawawalang sabungero na siyang lalong magpapalakas sa kredibilidad ng naunang witness na si Julie Patidongan, alyas “Totoy.”
Aniya, hindi lang ito testimonial kundi may totoong ebidensiya rin siya.
Isang sibilyan ang bagong saksi at may kalakip na ebidensiya bukod sa kaniyang salaysay.
Hiniling din ni Remulla kay PNP Chief Nicolas Torre III na i-relieve ang isang police commander dahil sa kulang umanong aksyon sa imbestigasyon ng kaso.



