Nanumpa ang bagong interim Prime Minister ng nepal na si Sushila Karki na susundin ang hiling ng mga kabataan na wakasan ang korapsyon.
Ito’y matapos mapatalsik ang dating pangulo dahil sa malawakang “Gen Z” protests.
Sinabi ni Karki na ang panawagan ng mga kabataan ay mabuting pamamahala at pantay na ekonomiya kaya nararapat na umangkop ang gobyerno sa kanilang henerasyon.
Hindi bababa sa 70 ang patay at halos 200 ang nasugatan sa dalawang araw na gulo pinakamalubha simula nang matapos ang civil war noong 2008.
ADVERTISEMENT
Bunga ng negosasyon ng Army chief at Pres. Ram Chandra Paudel ang pagkakatalaga kay Karki kasama ang mga kinatawan ng “Gen Z.”



