Bagong prime minister ng Nepal, nangakong tatapusin ang korapsyon | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Nangako si Sushila Karki, pansamantalang punong ministro ng Nepal, na tutugunan ang panawagan ng mga mamamayan, partikular ng Gen Z protesters, na tapusin ang korapsyon kasunod ng malawakang kilos-protesta na nagpatalsik sa kanyang sinundan sa puwesto.

Sa naturang protesta, umabot na sa 72 ang nasawi at 191 ang sugatan—mas mataas kumpara sa naunang ulat na 51 patay.

Itinuturing itong pinakamalalang kaguluhan sa Nepal mula pa noong 2008.

Si Sushila Karki ay dating chief justice ng Nepal at ngayon ang kauna-unahang babaeng punong ministro ng bansa na nahalal sa pamamagitan lamang ng communication platform na Discord.