Bagong PNP chief, nanumpa na ngayong araw | News Light

📅 June 2, 2025 01:23 PM PHT  |  ✏️ Updated June 2, 2025 01:56 PM PHT
👤 Giselle Crazo  |  📂 Latest News, News Light

Magsisimula na ngayong araw ang termino ni PNP chief Nicolas Torre III sa isang change of command ceremony.

May isang taon at siyam na buwan pa si Torre bago ang mandatory retirement niya sa Marso 2027.

Payo naman ni dating PNP chief Rommil Marbil Jr. kay Torre: ipagpatuloy ang reporma sa kapulisan at itama ang mga pagkakamali sa ilalim ng kanyang panunungkulan.

Si Torre ang namuno sa operasyon ng pagkakadakip kay televangelist Apollo Quiboloy sa Davao City, at siya rin ang nag-serve ng arrest warrant laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte bago ito ipahawak sa Interpol.

Bilang unang PNPA graduate na itinalaga bilang PNP chief, dala ni Torre ang malawak na karanasan sa field at intelligence operations—mula Mindanao hanggang Luzon.