Bagong music ni Tauren Wells na “Here Comes the Church”, hatid ang mensahe ng pagkakaisa sa bawat simbahan | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Inilabas ng kilalang Christian artist na si Tauren Wells ang kanyang pinakabagong single na pinamagatang Here Comes the Church.

Ang awitin ay tumutukoy sa pagkakaisa at lakas ng simbahan, hindi lang bilang isang gusali, kundi bilang isang komunidad ng mga mananampalataya. Nakasentro ang mensahe sa pag-asa at pagkakaisa ng mga mananampalataya.

Ipinapakita nito ang patuloy na misyon ng music ministry ni Wells na parangalan ang kontribusyon ng mga Kristiyano sa komunidad.

Si Tauren Wells ay isang Grammy-nominated American Christian singer, songwriter, multi-instrumentalist, at isang pastor na kilala sa pag-adapt ng pop, R&B, at hip-hop sa worship music. (Benedict Quejado/News Light)