Baganga, Davao Oriental, niyanig ng magnitude 5.1 na lindol kagabi | News Light

📅

Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang Baganga, Davao Oriental kagabi.

Ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), dito matatagpuan ang epicenter ng lindol na may lalim na 21 kilometro.

Dahil sa lindol, nakaranas din ng Intensity 2 ang lungsod ng Bislig sa Surigao del Sur.

Wala namang naitalang pinsala sa lugar, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kaugnay ng naturang lindol. (Austin Gonzaga/News Light)