Sumalpok sa paparating na tren ng Philippine National Railways ang motorsiklong sinasakyan ng babaeng rider sa Baypass Road, Brgy. Bucal, Calamba City, Laguna kahapon.
Base sa imbestigasyon, bumubusina ng malakas ang tren subalit nagtangka pa din na tumuloy ang rider nang tuluyan itong mahagip.
Tumilapon ang biktima sa lakas ng pagsalpok nito hanggang sa nakaladkad ng tren ang sinasakyan niyang motorsiklo.
Samantalang sa kabutihang-palad, hindi ito nagulungan ng tren. Agad namang isinugod ng miyembro ng Calamba City Public Safety Officer ang rider sa pinakamalapit na pagamutan. (Kevin Pamatmat/ News Light)
ADVERTISEMENT



