Autonomous AI Robot Football match, isinagawa sa China

📅 July 3, 2025 12:19 PM PHT  |  ✏️ Updated July 4, 2025 06:45 AM PHT
👤 BALITANG A2Z  |  📂 Balitang A2Z, Featured, Kakaiba, Latest News

Naganap na sa Beijing, China ang autonomous na artificial intelligence o AI at humanoid na robot football 3 by 3 match nang walang taong nagmamando.

Apat na koponan mula sa iba-ibang mga unibersidad tulad ng Tsingsua University, China Agricultural University at iba pa ang naglaban-laban gamit ang visual sensors, AI tactics, at fall-recovery systems.

Sa tournament, parang mga taong nag-aagawan sa bola ang mga AI robot.

Nakabase ang galaw ng robot sa dinisenyong galaw, bilis, at hand-raising base sa programa ng AI system na inihanda bago ang laban.

Bahagi ito ng pagtingin sa kinabukasan ng AI robotics mula sa algorithm testing hanggang hardware-software integration.