Australia, iba-ban ang YouTube sa mga 16 years old pababa

📅  |  ✏️ Updated

Ipagbabawal na ng gobyerno ng Australia sa mga edad 16 pababa ang pagbubukas ng account sa video-sharing site na YouTube.

Ito ay dahil sa anila’y, predatory algorithm ng naturang platform.

Ayon kay Communications Minister Anima Wells, 4 sa bawat 10 Australian children ang naitalang nanonood ng harmful content sa YouTube.

Magsisimula sa Disyembre ang social media ban para sa mga bata sa Australia, kabilang na ang TikTok, Instagram, Facebook, X (dating Twitter), at Snapchat. Ito ang kauna-unahang pagba-ban sa buong mundo.

ADVERTISEMENT

Susunod na rin ang Norway, samantalang pinag-aaralan pa ito ng United Kingdom.