Itinalaga ng House prosecution panel si Atty. Antonio Bucoy bilang tagapagsalita nito.
Nagtapos si Bucoy ng Political Science at Law sa University of the Philippines at matagal nang kabalikat ng mga human rights group gaya ng FLAG at Mabini lawyers.
Sa presscon, sinabi ni Bucoy na maghahain sila ng pleading sa linggong ito para linawin ang kamakailang utos ng Senate Impeachment Court.
Una nang ibinalik ng mga senador ang articles of impeachment at hiniling na siguraduhin ng Kamara na hindi nilabag ang konstitusyon at valid ang pagpapatuloy nito sa 20th Congress.
Giit ni Bucoy, hindi na dapat pinagtatalunan ang legalidad ng articles of impeachment pagkatapos itong maihain sa Senado.
Binatikos din ni Bucoy si Senate President Francis Escudero at sinabing nilabag nito ang konstitusyon sa pag-remand ng kaso.